Echoserang Bata

Isang babaeng palaging madumi ang palda. Part time estudyante, full time ambisyosa.

Ito ang mga kwento ng isang ECHOSERANG BATA. Ang lahat ng narito ay kathang isip lamang. Maaring gamitin ang utak kung maniniwala o hindi. :D
Recent Tweets @echoserangbata

TTH: The “Pa-virgin pero Ready na ako, Ikaw ready ka na ba?” Edition

Hindi naman ako naniniwala sa mga pamahiin shits o kung ano man. Siguro totoo, siguro hindi. Pero kanina tinamaan ako ng kalahating malas. Sa di inaasahan na pagkakataon, biglang bumagsak yung takip ng make-up na nililinis ko. May shoot kasi kami kanina sa Patio Ibarra. Basag ang kalahating salamin na nakakabit sa make-up.Oh well papel, pinulot ko na lang yung basag at itinapon sa plastik.

Quezon Avenue. Dun ako pupunta at hindi ko naman alam kung anong jeep ba ang sasakyan ko. Pero nasabihan naman ako ng nanay ko na Welcome Rotonda nga daw galing samin. Nakasakay naman ako agad, tinanong ko yung drayber kung dadaan ng Patio Ibarra, sabi niya Quezon Avenue lang daw dadaan. So malay ko ba kung san sa lupalop ng mundo ng Quezon City kung saan ang Patio Ibarra. Pagdating mismo ng Q.Ave sa may corner ng timog, bumaba na ako ng jeep para maglakad na lang para mas mabilis maghanap. Nung nagtanong ako sa mga Brgy. na nagkwekwentuhan, dire-diretso lang pala. Edi sana hindi na lang ako bumaba sa jeep para hindi na ako naglakad ng mahaba. Juskopo! Malas ng araw ko.

Photoshoot, sakto lang. Masaya naman, ang ganda nung kliyente namin. Di na kelangan “spot healing” sa sobrang kinis. Kaso ang problema…. WALANG ILAW. Nahirapan ako ng mga one million sa pag-shoot dahil sa madilim at incandescent na ilaw. At wala naman ako flash diffuser kaya papel na lang ginamit ko. Ang hirap… Juskopo! Malas ng araw ko.

Pagkatapos ng shoot namin, malakas ang ulan. Kailangan kong maghanap ng taxi pauwi sa kalagitnaan ng malakas na ulan.. biglang napigtas yung dikit ng mga strap ng sandals ko. Juskopo! Malas ng araw ko.

Nakahanap naman kami ng taxi. Ang problema, umiral naman kamalasan ko. Si kuyang drayber, masyadong magulang. Akalain mong quezon ave to quezon ave, 68php na agad ang pinatak ng metro. At kung umandar, daig pa ang mga pagong sa karera, sobrang bagal. At halatang sinasadya para naman tumaas agad ang metro. Nabwisit ako at sinita ko.

“KOYA! May sira ba tong sasakyan mo? Bat ang bagal mo magpatakbo? Nako pagdating sa bahay pupusta ako 150 na metro ko.”

Aba, nagalit pa si kuya. “Baha baka masiraan tayo!”

Tumingin ako sa kalsada, potek, baha ata yung mata niya ng muta. Dahil hindi naman baha. WATDAPAK! Juskopo! Malas ng araw ko.

Pagdating sa kanto, trapik. Wala na akong pera. Mali pala ang hula ko, dahil 150php na wala pa ako sa bahay ko. Kaya bumaba na lang ako sa kalsada para maglakad, medyo malapit na lang naman. Ang problema, baha! Kailangan kong umiba ng ruta na mas malayo para makauwi. Baha, pigtas ang tsinelas ko, mabigat ang bag ko, at mainit pa rin ang mani sa magulang na drayber. Juskopo! Malas ng araw ko.

Pagdating ng bahay, ramdam na ramdam ko parang ang malas ko. Pinaalala bigla nung katulong namin na nakabasag ako ng salamin na one half.

One of my favorite shots. :D

One of my favorite shots. :D

Asker Anonymous Asks:
Pano kung nagkaboyfriend ka tapos nalaman mo na hindi pa at ayaw niyang magpatuli, okay lang sa iyo?
echoserangbata echoserangbata Said:

Habang tulog siya, gagapangin ko para tulian. :D HAHAHAHAHAHA! (Ngayon lang may nag-anon sa akin.)

Bestprends Poreber! (Muntimang, kamay lang gumagalaw sa kanya. Hahaha.)
—Nakakagulat nga naman talaga minsan kung sino-sinong nakikilala mo. Nakakatawa kasi kung paano kami nagkakilala niyan ni “DRE”. 18th birthday ko at naisipan namin na um-aura ng mga kaibigan ko sa isang bar. Dun ko siya nakilala, sobrang sabog at laseng. HAHAHAHA.
Pero pagkatapos nun, di ko akalain na magtatagal yung friendship namin ng ganito. Isipin mo, nakilala mo lang sa bar, ngayon bestpren mo na. Galing diba? Astig talaga. Pakiramdam namin kambal kami nung past life namin. Ako yung “Little Brother” niya. Mas matanda kasi siya ng dalawang taon sa akin. Pero isip mas isip bata pa sa akin. JOKE! :D
Pero maski loko-loko yan, may natutunan ako dyan. Dahil sa kanya naliwanagan ako sa rason kung bakit nambababae ang mga lalaki maski may asawa na.
Ayon sa kanya, ang mga asawa ay parang paboritong ulam. Gustong-gusto mo palaging kainin pero kapag araw-araw ihinain, nakakasawa rin. Kaya naghahanap ng ibang putahe na matitikman.

Bestprends Poreber! (Muntimang, kamay lang gumagalaw sa kanya. Hahaha.)

—Nakakagulat nga naman talaga minsan kung sino-sinong nakikilala mo. Nakakatawa kasi kung paano kami nagkakilala niyan ni “DRE”. 18th birthday ko at naisipan namin na um-aura ng mga kaibigan ko sa isang bar. Dun ko siya nakilala, sobrang sabog at laseng. HAHAHAHA.

Pero pagkatapos nun, di ko akalain na magtatagal yung friendship namin ng ganito. Isipin mo, nakilala mo lang sa bar, ngayon bestpren mo na. Galing diba? Astig talaga. Pakiramdam namin kambal kami nung past life namin. Ako yung “Little Brother” niya. Mas matanda kasi siya ng dalawang taon sa akin. Pero isip mas isip bata pa sa akin. JOKE! :D

Pero maski loko-loko yan, may natutunan ako dyan. Dahil sa kanya naliwanagan ako sa rason kung bakit nambababae ang mga lalaki maski may asawa na.

Ayon sa kanya, ang mga asawa ay parang paboritong ulam. Gustong-gusto mo palaging kainin pero kapag araw-araw ihinain, nakakasawa rin. Kaya naghahanap ng ibang putahe na matitikman.

Naikwento ko na si Lottie dito sa blog ko. Pero kung hindi mo na matandaan kung sino siya, eto.

Siya yung pumalit sa kasambahay namin dati, yung tatlong araw o isang linggo pa lang ata eh nilibre na ni kuyang tiga-deliver ng tubig. (At pati ako naambunan ng grasya, salamat naman.) Kinabog ako ng lola mo dahil sa tagal ko dito, naunahan pa niya ako. Kasing edad ko siya, medyo chubby, kamukha ni Lottie na cartoons sa palabas na Princess Sarah, at higit sa lahat masayahin.

Naliligo ako ng hapon na iyon ng bigla akong ginulat nung boses niya. Akala ko naman kung ano ang sasabihin niya sa pagkakasigaw niya ng “CEARAAAAAAAAAAAAAAA!” Ayun naman pala, may itatanong lang.

“Asan ang ACCESS 2?”

“Ay di ko alam eh, bakit?”


Nakita ko na lang yung piraso ng papel na hawak-hawak niya. Isang brochure ng Access Computer College

“Bakit gusto mo mag-aral?”

Siguro dahil na rin sa hiya, ngiti lang ang sagot niya. Pero alam kong “Oo” ang sagot sa tanong ko. Huminto kasi siya sa pag-aaral para mamasukan, syempre dahil sa napaka-“walang ibang rason”… kahirapan ng buhay.

Kinausap ko kaagad yung nanay ko tungkol dito. Inutusan niya naman akong samahan si Lottie para magtanong kung totoo yung “LIBRENG TUITION FEE” program na nakasulat sa papel. Kinabukasan pumunta kami sa Access.

Habang pinagmamasdan ko siya, nakikita ko sa mukha niya na magkahalong kaba at excitement yung nararamdaman niya. Totoo pala yung sinasabi nilang lumalabas sa aura at sa mata ng tao kung ano yung nasa loob niya. Nung nagtanong kami, hindi pala libre yung tuition pero nagulat ako kasi sobrang mura.

Isang sem, 4 months. Kailangan magbayad ng 200 pesos semi-monthly. 895 pesos para sa id at nstp fee, at 200 pesos reservation fee. Limang daan lang na estudyanteang kukunin nila kaya gusto ko na mapunta sa kanya yung slot. Maski wala na akong ibang pera, handa akong ibigay yung huling dalawang daan ko sa kanya. Kinausap ko siya kaagad, kinausap ko rin yung nanay ko na hindi pala libre. Pero ayos lang naman sa nanay ko, okay lang na pag-aralin namin siya tutal pinagtratrabahuan naman niya ito. Kaya ayun, binayaran ko na agad yung reservation fee niya para magka-slot na siya. Sobrang saya niya lang pagkatapos.

Ako naman… Parang sinampal sa mukha.

Isang sem, 2,695php. Samantalang ako gumagastos yung tita at tito ko sa tuition ko ng higit-higit pa. Siguro kung hahatiin ang tuition ko sa 2,695 halos 23 na tao na yung mapag-aaral nila.

Naisip ko.. wala akong karapatan para mag-reklamo sa hirap ng pag-aaral. Ang kapal lang ng mukha ko para sabihin na walang kwenta ang buhay ko at ayoko na mag-aral. Napaka-importante talaga ng edukasyon para sa ibang tao.. Talagang pinaghihirapan. Samantalang ako, isang swerteng bata kung maituturing, na may nagpapaaral na mababait na kamag-anak tapos magrereklamo lang ako. Hindi tama na mag-inarte ako sa pag-aaral. Dapat pagbutihin ko.

Minsan talaga, may mga bagay na kapag hawak-hawak mo hindi mo binibigyang halaga. Pero kung ano naman yung wala sa iyo, yun yung walang katapusang ninanais mo. Siguro kailangan mo lang talagang imulat ang mga mata mo sa paligid mo para masabi mo kung ano talaga ang importante para sa iyo.

Alam ko naman talaga minsan epal na ako. Natatawa lang ako kasi ni-rentahan kami for photobooth, eh since hindi naman ako ang main photog that night, chill lang ako. That awkward moment na ang dami ko pala pictures dun. Ano ako bisita?! HAHAHA. Ampupu. Alpha Kapal Muhks tuloy ang datingan ko. Soreeeh. (Eh sabi naman nila sumama daw ako eh. ):P

PS. Wala akong pake. :D

Fangirl mode with Silent Sanctuary.

Natutuwa lang ako na parang ewan kasi hindi ko talaga expected yung mga ganitong ekek. Kinuha kasi akong official photographer ni Sir Allen Calixto(drummer) nung 1st birthday ng anak niya. Kaya ito, fangirl mode. Hahaha. Salamat sa tropa kong nag-recommend sakin. Ayus. :P

PS. Ang cute ng mga anak nila. :D

See photos at www.facebook.com/CraveVisionPhotography

Balik na naman ako sa buhay na walang magawa. Pero mas okay na yung pakiramdam ko ngayon kesa nung mga panahon nung naunang tambay life ako ngayong bakasyon. Masaya lang kasi ang dami kong nakilalang kaibigan nung isang araw.

Ang liit lang ng mundo.

Si Karinakarina, nakilala ko lang sa soundcloud at sa facebook. Kaibigan niya si Choco. Si Choco, kaibigan ko na nakilala sa facebook at sa gigs ng banda. Si Khris kaibigan ko na nakilala sa videoshoot nila Cathy (Sopiz pa siya nun, ngayon solo artist na; Siya yung kumanta ng “Ayaw na kung ayaw”) dahil bestfriends sila nung highschool. At dahil mahilig si Choco sa gigs, nakilala niya si Cathy. Pinakilala ko si Khris kay Choco dahil naghahanap siya nun ng chicks, oh well papel, barkada na sila ngayon. At si Karina naman, kilala na rin niya si Khris dahil kay Choco at gusto niya si Cathy.

Yan ang unang circle of friends na kasama sa kwento ko.

Hind ko pa nakikita si Karina sa personal pero lagi naman kami nagkakausap. Tiga-Batangas siya pero pumupunta rin siya dito kapag may shoot sila. Sooo isang umaga, nagulat na lang ako ng yayain niya akong magkita sa gateway. Ti-next ko kaagad sila Choco at Khris para naman get-together na.

Akala ko kami-kami lang. Pagpunta ko ng gateway..

Kasama ni Karina si Arkho (gitarista ng Circa). So pinakilala siya sa amin, di ko alam na napanuod ko na pala sila sa isang gig na kasabay ng Tanya Markova. Tapos biglang dumating ang kaibigan din ni Karina na si Lien, nagkakilala lang din daw sila sa facebook at common friend. Unting hintay lang, dumating naman si Nico. Kaibigan din ni Karina na first time din niya imi-meet.

Lahat sila first time ko lang nakasama nung araw na iyon maliban kay Choco at Khris. Pero alam mo yung feeling na sobrang saya, tamang tambay lang. Pumunta kami sa UP naglakad, nagkwentuhan, nag-longboard, nag-piktyuran, lahat kami hindi magkakakilala. Pero sa sobrang liit ng mundo nagkakila-kilala kami.

Alam kong madami pa akong makikilala dito sa mundo pero inaasahan ko na kagaya ng mga kaibigan ko dito sa tumblr, magtatagal din to. :D

Soo.. Sa liit ng mundo.. Mahahanap pa kaya ako ng may-ari ng videocity para kunin yung mga hiniram ko na bala?

Lagi natin sinasabi na “Dapat magtiwala ka sa sarili mo”. Mga tipong “Kung hindi ka bilib sa sarili mo, sino bibilib sayo?” Tama nga naman talaga yung mga ganung kasabihan. Pero parang ang hirap naman gawin. Madali lang kasing sabihin yung mga bagay na ganyan kapag natapos mo nang gawin o di kaya naman ay masaya at madali pa ang mga bagay-bagay.

Pero kapag dumating sa mga sitwasyon na kailangan mo talagang magdesisyon kung magko-commit ka sa isang bagay, ang daming oras na kailangan para mag-isip. Dadating ang takot at pagdududa sa bawat responsibilidad na maaring ibigay sa iyo. Pero sa dulo, kapag nagawa mo ang lahat ng iyon masarap sa pakiramdam. May isang bagay ka na pwedeng ipagmalaki tungkol sa sarili mo.

Takot lang naman talaga ang humahadlang sa lahat ng bagay. Kaya ito rin ang dapat mong labanan. Kung saan ka natatakot, yun ang harapin mo.

Pero ako sa ngayon.. Hindi ko alam kung kaya kong gawin yung mga sinasabi ko. Ipokrita na kung masasabi pero hindi ko rin mapigilan na magdalawang isip at magduda sa kakayanan ko. Iba talaga ang pakiramdam kapag ikaw na yung mismong nasa sitwasyon.

Alam kong gusto kong gawin. Alam kong malulungkot ako kapag hindi ko ginawa.. Pero….

Kaya ko ba? Yan ang tanong ko sa sarili ko. Kagaya rin ng iba. Takot at nagdududa.

Asker Anonymous Asks:
"Real happiness is common. You just need to open your eyes.." - Idk
echoserangbata echoserangbata Said:

Kakapanuod ko lang ng pelikulang “PROM” nung isang araw. Dahil paulit-ulit lang naman yung buhay ko ngayong summer, masyado ata akong naapektuhan doon sa mga pinapanuod kong pelikula.

Lahat naman siguro ng andito nakaranas na magpunta sa prom, o kung hindi man prom.. sa ball. (Kung ako ang tatanungin, parang pareho lang naman ata iyon? Pero siguro kasi kapag ball dapat mga pang-prinsesa ang suot. Mga tipong pang hot air balloon ang datingan ng gown at dapat may kalesa pa na kasama parang si Cinderella.) Ako kasi nakaranas ako ng ganyan-ganyan pero abnormal ata yung experience ko. Paano ba naman kasi, galing ako sa isang all-girls school kaya nung nagkaroon kami ng ganyan.. FAIL. Puro babae.

Okaaaaayyyyy. So pwedeng magdala ng mga lalaki pero dahil nung mga panahon na iyon ay wala pa akong kamandag (so ibig sabihin ngayon meron na?! BIG WURD. Jooooke. Hahaha) este wala pa akong lakas ng loob sa mga date-date na yan. Lahat ng kasama ko nun babae at tomboy. (Uhmm.. mga nakadamit pambabae pero pwede naman dahil hindi naman talaga sila hardcore lesbian look talaga.)

Pagkatapos kong mapanuod ang pelikulang iyon, parang nakaramdam ako ng inggit. Alam mo yun? Paano ba naman kasi ampogi nung bidang lalaki dun. Yung rakstar na nagmo-motor na badboy. AYIIIIEEEE. Di joke lang, ang saya lang kasi siguro maka-experience ng totoong prom. Hindi yung prom-prom-an lang na for the sake na masabi mong “prom”. (Wag ka, kasama pa ang parents at faculty namin nung promnight namin. Weird no?)

Ang saya lang nung excitement ng bawat isa na nadama nila. Lalo na yung mga mag-jowang walang katapusan na nagtatanong ng “prom?” na akala mo naman ay napakalaking wedding proposal. Yung pagpili nila ng isusuot na may nalalaman pang “fitting” tapos may poging badboy na nag-aabang at mai-starstruck sayo paglabas mo ng fitting room. Yung feeling na may botohan pa kung sino ba yung king and queen shits at titignan mo sila sumayaw maski wala ka naman talagang pakialam unless jowa mo sila. Yung feeling na namomoblema ka sa kulay ng sasakyan mong limo maski wala naman atang limo dito sa Pilipinas. Sana magkaroon din ako ng ganung experience. Lahat perpekto..

Pero syempre, lahat yun talagang maganda. “Pelikula” eh. Sabi nga ni KC Concepcion, “Not like the movies”..